napundingalitaptap*


august’s gibbous

And we were walking

Under the vast dark night sky

Hands not anymore holding

Unlike the hearts that were wanting

The big golden gibbous moon was watching over us

Giving a promise

Something. . .

Or nothing

Always. . .

Or never

 

 

 

 

 

 

 

 

Waxing. . .or waning

 




Napundingalitaptap*

September 8, 2011

1:32am


pakiusap

Minsan meron, minsan wala.

Kadalasa’y wala.

Ngunit pag meron, madami.

Pag wala, malungkot.

Pag madami, nakakalito. . .

Bakit ganun?

 

Sa mga oras na wala,

Walang-wala

Sa mga oras na meron,

Masaya, ngunit umiiwas.

 

Kelan totoo?

Kelan hindi?

Sino ang totoo?

Sino ang hindi?

 

Bakit sabay-sabay sumusulpot?

Kabute?

Bakit sabay-sabay naglalaho?

Bula?

 

At bakit gayung totoo. . .

Pinalalabas na guni-guni lamang?

Ingatan nyo naman ang puso ko.

 

At teka, isa lang naman ang kailangan ko

Pero papaano kita mapipili,

Kung lilisan ka din

Kasama ng mga pangarap

Na aking ibinuo na sanang ika’y kasama?

 

Di ko kailangan ng madami

Sabay-sabay

Isa lang sana

IKAW LANG SANA.

 

(hunyo 27, 2010) at tulad ng inasahan. . . nawala din sya. . .at sa totoo lang, MABUTI NALANG. nyehehe! =P

gayunpaman, ang dasal ko pa din ay sana, may manatili. . .

 

pag nababasa ko to, parang yung mga tulaan sa tren… tssssssss….


de-sister..tssss

Nasubukan mo na bang tignan ang sarili mo sa salamin? Malamang, pero ang gusto kong sabihin ay yung tipong tinitigan mo ang sarili mo ng husto. Ngumiti ka, labas ang ngipin, nakatikom ang bibig, nagpakyut, pumosing, pinalaki ang mata, pinaliit, ginumos ang mukha at saka nagseryoso.

Bigla kang napaisip, ganito pala ang hitsura ko. Napatanong, sino ba ako? At wala ka na lang magawa kundi tumalikod at mag-isip. Nasabi mo na lang na AKO ANG BIDA NG SARILI KO, pero sino nga ba ako.

Disaster. Minsan, mas madali pang makipagusap sa mga aso kesa sa sarili mo. Irasyonal ako, alam ko.

(march 6, 2010)


kelan,saan,bakit. . .SINO?

Glenn Medeiros – If I Knew


heypiburtdey

“HAPPY BIRTHDAY”

Minsan, nagtataka ako kung bakit naimbento ang birthday. Um, oo, nariyan na yung ideya na lahat ng tao may araw ng kapanganakan. Pero, bakit pa ito sineselebra. Anong ispeyal dito?

Bakit ka pa binabati ng mga tao? Para maalala mo na ipinanganak ka ng ganitong panahon, ganun?

Gaya ng tanong ko kung bakit ka pa kailangang batiin, tulad ng kapag pasko at bagong taon. Bakit? At bakit kaya sa mga pagbating ito, kadikit ang salitang “happy” para sa “happy birthday” at “happy new year”, “merry” para sa “merry Christmas”

Minsan tuloy, nakakapanghina na isiping hindi mo kayang maging masaya gayung parang obligado kang maging masaya sa mga araw na iyun. E sa hindi. At sa totoo lang, masaklap isipin na kailangan kang maging masaya, parang napangunahan ka na malungkot ka talaga. At dahil birthday mo, ibahin mo naman. Dapat happy, dapat, Masaya. Weird. Peke.

Gusto ko sanang ikumpara ang araw ngayon kesa sa mga kaarawang nagdaan. Pero hindi na lang, iba nga ang pangyayari mga isang mili-segundo ang nakaraan, ngayon pa kaya sa nakaraang 365 na araw.

Nagsimula ang araw ko na hindi lang man nabati ng mga kasama ko sa bahay, kewl!

Dumating sa eskwelahan, may mga bumati naman, NASOBRAHAN. Meron akong estudyante na paulit-ulit-ulit-ulit akong binabati. Alam ko naman na birthday ko. At salamat na rin, dahil sayo, naaalala ko na birthday ko nga. Ilang beses kong naitanong sa mga tao sa trabaho ko kung anong petsa ngayon, ibig sabihin, tila ba walang masyadong espesyal sa araw na ito. Nakakadismaya.

Isang araw ang nagdaan, trentang birthday card, ang dami. Kaso, ACTIVITY for the day. Kung walang activity na pinagawa ang mga guro na igawa ako ng card, masaya na ako sa isa.

Patapos na ang araw, wala pa rin bago, wala pa ring espeyal.

Nagmumukmok sa isang sulok ng sariling silid-aralan, pagod na pagod, lunod na lunod sa mga buntong hininga. May lumapit at nagtanong,

“bakit ka malungkot dyan e birthday mo nga, halika nga dito at ililibre kita. Anu bang gusto mo?”

“ICECREAM” sagot ko ng walang pasubali gayun alam kong rason ito para dumikit ang pwet ko sa mga inodorong matibay.

Sa mga oras na iyun, nakita kong kumislap ang mga mata ko kahit pa hindi ko ito literal na nakita.

Sumama ako na parang bata.

“gusto ko ng mango icecream”

Nakipagkwentuhan ng kaonti at nagpasalamat.

Kahit papaano ay nagkaroon ako ng gana para maging Masaya-saya naman. Nagbantay ng mga bata na hinihintay ang kanilang mga magulang. Naisipang makipaglaro sa isang bata.

“anu ba yan?!” ang palagi nyang wika. Paano kasi, sipa bola ang drama namin. At sobrang walang kwenta ang mga sipa ko, matapos ang mga kwarentang sipa tsaka ako natuto. At di ko ikakaila na naging masaya ako.

May mga tumawag, na pinilit ko pa sanang iwasan at di sagutin, pero yun, nakapagpasaya din.

Nakipagkwentuhan sa mga kasama sa bahay, at nalaman na hindi nila alam na ngayon ang kaarawan ko, malamang, paano naman nila ako babatiin? Coke at pansit, humabol, hurray! Kinantahan pa ako ni 2-year old nephew, whew!

Nakakita ng 2 batang gusgusin at binigyan ng cupcakes, solb!

Naisip ko lang, iba nga naman kapag birthday mo, kung hindi mo dama na espesyal ka sa mga nakaraang araw, kahit papaano’y may iba pa din kapag birthday mo. Simple lang, mas maingay ang telepono mo, mas madaming nakangiti sayo, madaming makulit at humihirit ng libre.

Naalala ko lang, pag inunahan mo nga ang lungkot, hindi ka nya bibiguin. Pag inunahan ka ng tanong, magiisip ka pa ng ibang tanong pa, hindi makikinig sa mga sagot na alam mo naman na.

Hindi pa huli. 11:59 palang, happy birthday sa akin. Indeed!

SALAMAT  SA ARAW NA ITO, SALAMAT SA IYO…LALO NA SA IYO! 12:00AM jan 13, 2010

SIMPLISIDAD- sagot sa kasiyahan ng tao. Totoo. 12:01AM


hindi ako tao, pero OO NALANG

“talo parin si gordon kahit ikaw ang pinakacool na tao sa mundo” -sulpapepper

wala naman na tayong magagawa, basta ba bumoto ka ng tama.

binoto mo yung kung sino talaga yun sa tingin mo’y nararapat. shatap na muna tayo, wala namang maitutulong ang mga batikos natin ngayon.

hindi pwedeng hindi natin pinagbibigyan ang iba, lalo’t gayung hindi pa naman nila oras para bumawi. tsaka na, pag nakaupo na.

ikaw ba, sa mga panahong nagkamali ka o wala kang nagawa, anu bang ginawa mo nung napagbigyan ka ng pagkakataon?

nasayang mo din ba?

o ginawa mo lahat ng pambabawi na pwede mong gawin?

HINTAY HINTAY KAIBIGAN.

ako, personally, nawawalan ako ng ganang umayos pag walang katiwa-tiwala sa akin ang mga tao sa paligid ko, sa mga ginagawa’t diskarte ko, kaya wala tuloy akong nagagawa.

kapag naman yung mga tao, walang habas ang suporta, matiwasay kong nagagawa ang mga tungkulin na dapat gawin.

pagbigyan kasi natin muna. kahit benefit of the doubt muna.

” galang naman kay noy as tao… ginusto sya ng tao… (hindi ako tao, therefore, hindi ko sya gusto)” -en-ey* to photographyAKO


pseudo-blog vs. traditional

ilang araw na din akong nagiisip ng isusulat. sa totoo lang, madami din talaga akong naiisip isulat. marami lang nga din talagang mga bumabagabag sa isip ko.

sa araw-araw na paguusap namin ng sikat na si ferbert bautista e isa dyan ay ang magbabalik blogging na ako. tapos, tsaka kami manghihikayat ulit sa mga kaibigan namin na magblog na ulit.

meron naman mga nagbalik blogging na, yun nga lan, sa tumblr na sila nagbablog. hindi ko maintindihan kung anung meron sa tumblr na yan. isang taon na rin yung tumblr account ko, pero iniwan ko lang ding nakatiwangwang. simple lang, hindi ko kasi maintindihan, isama mo pa yung ideya na nakita ko yung “tumblrarity” mas lalo akong tinamad.

pero nitong mga nakaraan, sinubukan kong balikan yung oopsen-ey tumblr. malaman man lang kung bakit nga ba nandun na yung mga real time blogger na kilala ko. anu bang meron TALAGA sa tumblr. inalam ko, ilang araw kong sinubukang kilalanin yang si tumblr na yan. sinubukan kong ienjoy. di muna ako nagkumentaryo ng masasama ukol sa kanya.

ngayong araw, bumulaga sa akin ang blog ni bentambling, yung “Ibalik ang Dignidad ng Blogging.” binasa ko ito ng mataimtim, inintindi. . .ayun, di ko naintindihan, toink! oo naman, napa-oo na lamang ako. ibang-iba kasi talaga ang tumblr sa tradisyunal na blogging na kinalakhan namin (yuck kinalakhan…laki ng kinalkhan mo gugol) anyway, si gugol nga pala ay bentambling sa tumblr (korni pa din).

madami-dami din ang kaibigan ko ngayon kahit offline na dati’y kaibigan ko lang pag online. iba. iba yung pagkakaibigan na meron kami. yun di mo maisip kung paano naging malalim at totoo. mga bagay na hindi naiintindihan ng magulang mo, na paano kayo naging magkakaibigan kung hindi naman kayo magkakapit-bahay o magkakaklase.

balikan natin yung tumblr, ang mga finafollow ko sa tumblr ay yaong mga kakilala ko. . . pero, meron kanina sa aking nagfollow na hindi ko kilala. naisip ko lang silipin ang page nya. at impernes to her, nawili ako sa mga nababasa ko, sa mga gawa o ni-reblog nya. sa ilang minuto, ang dami ng pahina nya ang nadalaw ko. hindi ko talaga masisisi ang mga tumblr kids. sa tumblr kasi, in an instant, naexpress mo na yung sarili mo, kung anu ang totoo mong nararamdaman. minsan nga lan, hindi naman nila talaga yun nararamdaman pero parang reblog nalang ng reblog. parang umaako na ng damdamin ng iba, kasi, natuwa lang.

pindot quote, sulat mo na yung quote na naisip, narinig, nabasa o nakaulinigan mo

pindot text, sulat mo na kung anuman yung gusto mong sabihin. “blog” sya para sa akin.

pindot picture, upload mo na yung picture na may mga messages o quote

ganun na lang kasimple. yun na yun. instant.

pero, paulit-ulit kong iniisip. napakasimple ng pamumuhay sa tumblr. walang effort, click mo lang yun “follow” alam mo na agad yung mga pinopost ng mga gusto mong ifollow. naalala ko lang, sa tradisyunal na blogging, mehn, araw-araw mong dadaan-daanan o dadalaw-dalawin yung mga site na gusto mo. masipag ang mga tao dun. hindi lalabas sa dashboard mo kung anu na, nagpost na ba yung mga iniidolo mo. talagang sasadyain, dadalawin. blog hopping, may tinatawag kaming blog hopping. yun yung magbabasa ka ng mga blog ng mga tao.

at ngayon, sa tumblr na yan, “like”. . .”reblog” TAPOS NA.

wala ka ng sinabi, niclick mo lang yung puso at tada, like na. hindi ka man lan nakapagreact. di mo lang man nasabi ang reaksyon mo, nakapagsimpatya ka ba? natuwa ka? nasabi mo bang parang tanga yung pinost nya at iemo-emo sya? nasabi mo bang andyan ka lang? KULANG. kulang yung growth.

kulang yung pag-express mo, HINDI HIJA, KULANG ANG EXPRESSION NA TINUTULONG SAYO NG TUMBLR.

pag yung ideya lang kasi, nasa isip mo lang, hindi nahihinog, nabubulok lang. para sa akin, pag nagbablog ka kasi, pag nagsusulat ka ng mas may detalye, mas nagiging malinaw ang mga bagay-bagay. mas naiintindihan mo, hindi ka matatapos ng “YUN”, “GANUN NA LANG”, “BASTA ” tapos na.

halimbawa na lamang dito, “i’m so sick of getting hurt” napakavague. anu ba talagang gusto nyang ipahiwatig? siguro, kung nasaexpress nya ng mas mahaba-haba, kung hindi man nya naovercome kung anu man ang nirereklamo nya e atleast nabawasan lang man yang bigat na nararamdaman nya. nadama lang man nya na may mga nakikinig ng mga hinaing nya, na may mga may concern. sa tumblr, di mo alam e, SO SICK OF GETTING HURT KA NA NGA, ni-like pa. anu yun, likable na yun yung nararamdaman mo?

sa TOTOONG BLAGISTA, ang quote ay hindi matitigil sa pagiging quote lang, napapahaba nila ito. depende sa paniniwala nila, depende sa relasyon ng quote na ito sa pinagdadaanan nila.

AT ITO PA, ITO PA… kung bakit ko mahal na mahal ang totoong pagbablog. sa blogging kasi, nagkakaroon ka ng mga tunay na magkakaibigan. minsan, gaya ng nanay ko, iniisip ko kung paano ko nga ba naging kaibigan ang mga taong to, pero, ito at ito lang, PAANO MO SILA HINDI MAGIGING KAIBIGAN E GAYUNG PARANG NAPASOK MO ANG PUSO AT ISIP NILA DAHIL SA MGA SINUSULAT NILA.

masaya ang tumblr, pero, mas masaya pa rin yung REAL THING.

 

pero sige, hindi ko naman inaaway ang tumblr, pero, anu, ahmmm. . . . ibang-iba lang din talaga ito.

iba na talaga ang mundo, nakakamiss din pala ang friendster, alam mo kung sino talaga ang mga nagmamatyag magstalk sayo. iba din ang wordpress/blogspot/livejournal o kun anu pa mang classic blogsite dyan. ngayon kasi e, parang yung mga stalker mo, tinutulungan mo na na iistalk ka ng walang kahirap-hirap.

AT KAYA AYAW KONG NAGBABLOG. ANG DAMI KONG SINASABI. . . . .pero, mas masarap matulog matapos magblog, isipin mo, binigyan mo ng oras yung utak mong pansinin. hahahahahahaha

COMMENT, walang comment sa tumblr. bleh! =P

credits nga pala kay cLarenze.tumblr at tugsdear.tumblr. . . pasensya na, hindi ko maipaalam yung photos nyo, PAANO? e wala namang comment box sa tumblr. pero yun, di ko naman inalis url nyo. =P salamat. (=

AT PAHABOL

ako: nagtatumblr ka ba?

gdesperado:  jan na kasi ako officialy magbblog. . .so from multiply to tumblr

ako: seryoso ka dyan? dun ka na magbablog? NAGEENJOY KA DUN?

gdesperado:  hindi pa masyado. . .kasi nahihirapan na ako magcompose ng ibblog ngayon. . . seriously

ako:  nahihirapan kang magcompose ng blog sa multiply. . .kaya. . .sa tumblr nalan?

gdesperado:  kasi easy to blog dun. . . reblog reblog!

NAYUN LAN TONG USAPAN NA TO. . . di ko alam kung matatawa ako o mahahabag.

di bale na. shatap na ako. sa susunod ulit. SALAMAT SA MGA NAGPUSH SA AKIN NA MAGSULAT ULIT.

pssst, blogger friend, magblog ka na ulit!=P


rong mub sa bagong taon

napunding alitaptap is getting really pundido. =S

 

basted part 4

nasa aisle. . .  

nakita ang kras. . . .

kinabahan. . . .

umisip ng taktika. . .

malapit na ako. . .

madadaanan ko sya. . .

lub dub. . lub dub. .

nakikita ko na ang mga mata nya, kumukutitap. . .

nakakapanhina. . .

lub dub. . .lub dub. . .

“tsk, anu ba yan, haharang-harang”

SABI KO.

ayun, hindi pinatulan ang pagpapakyot ko.

mukhang. . .mukhang. . .mukhang hindi talaga umepekto ang pagpapakyot ko sa istilo kong pambubully.

rongmub. badtrip!

umepekto naman yun mga pakyot mubs ko na yun last year. humihina na ako. =/

“napapag iwanan ka na ng panahon ^^ BWAHAHA” -baldorama sa hapon


ay, ako din pala

yung aso kong si tyro, nakita ko sya ngayon

at malamang, tatawagin ko syang lumapit sa akin. . .

hinimas ang kanyang balahibo at may napansin. . .

“tyro, hindi ka naligo ngayon. . .”

pero bigla ko ring nasabi

“ay, ako din pala”

waahahahahahaha!

aylabet!


NAPUNDINGtamaduwagALITAPTAP

Hindi mo ba naisip sumali sa banda para kumanta?

 

Hmmm. . .oo din, pero hindi ko naman kaya. . .nasa tono naman ang boses ko, pero mababa lang ang kalidad.

 

Sa palagay ko, may kalidad naman ang boses mo.

 

Hmmmm, pwede na din, kaso bulol ako e.

 

 

Ang galing ng biggest boss namin sa kumpanya namin. Hanggang ngayon, pag nagsasalita sya, wala akong magawa kundi ngumanga sa pagkamangha, ang galing talaga niya. Hindi ko pa rin maisip kung bakit ganun siya kagaling. . . aktsuli, alam ko. . .pero para masaya, kunwari hindi ko alam. . .hindi ko talaga alam kung bakit ganun siya kagaling.

 

Sa mga bagay na wala ng lusot, sa kanya. . .MERONG ISANDAAN’T ISA PANG LUSOT. . .

 

Pero, wala naman sa kanya ang usapin.

 

Kanina, nagkaroon kami ng maliit na pagpupulong para makinig sa mga nais nyang ibahagi para mas maging magaling na edukasyonalista.

 

Gaya ng dati, napakahusay pa din. . . magaling kasi siyang mageksplika ng mga bagay na abot tanaw, pero yung mga nasa pinakahangganan o likuran na ng kamalayan. . .pero parang nasa bungad “lang” ng pananaw nya. . .

 

Pinapanood niya sa amin ang medyo lumang palabas, BILLY ELLiOT. . . isa ding napakagandang pelikula. . .gusto kong mapanood ito ng lahat.

 

Si BiLLY ELLiOT ay isang labingisang taong gulang na bata na pinigilan magsayaw ng ballet dahil mayroong mga restriksyon sa lugar nila lalo nung unang panahon na para sa mga babae LANG daw ang sayaw na ito (pinipilit syang magboksing). . .pero, pinilit pa rin niyang pag-aralan  ito. . .andun ang passion niya e. . .pinigilan man siya, pinagaralan pa din ito ng mahusay. Basta, madaming mga isyu pero hindi ako magkekwento ng mga nangyari. . .PANOORiN MO NALANG. . .

 

Maganda, pangako. . .

 

AT. . .dumating sa panahon na naging isa siya sa pinakamagaling na balerino. . .

 

Tinanong ni biggest boss kung ano daw ba ang meron kay Billy kung bakit naabot niya ang pinapangarap niya. . .yung nagawa niya kung ano yung gusto niya. . .at ang sabi lang ni boss. . .simple lang. . . .

 

“HiNDi SiYA TUMiKLOP”

 

Ewan ko nga ba, parang tumusok sa puso ko yun. . .yun lang tatlong salitang yun. . .parang bumaon sa damdamin at pagkatao ko. . .

 

Sa palagay ko, kung potensyal, madami ako nun. . .hindi naman ako mangmang pagdating sa mga bagay-bagay. . .pero parang hindi ko nabibigyan ng hustisya ang mga talento na nagmamakaawang makawala sa akin.

 

Katamaran. . .

 

Karuwagan. . .

 

Yun ang mga bagay na NAPAYAMAN ko. . .dun ako nagkamali.

 

Madalas may mga reklamo ako. . .hindi ko maabot yung mga bagay na gusto kong maabot. . .na kelan lamang ay napagisipan ko dahil din sa pakikipagusap sa mga tao sa paligid ko. . .

 

“HiNDi naman pwedeng magaling ka na agad, syempre may proseso yan. . .dadating din yung ORAS mo. . .paghandaan mo lang”

 

PAGHANDAAN ko lang daw, na ang nangyayari. . .nauunahan ako ng mga salitang HiNDi KO KAYA o kaya naman NAKAKATAMAD NAMAN, BAKiT KELANGANG PAGARALAN PA?!!!

 

Naalala ko lang sa palabas na merong “pag-ikot” habang sumasayaw na hindi magawa ni Billy. . .PERO. . .PINAGARALAN niya hanggang sa makuha nya, dahil sikreto lang ang pag-aaral niya, nahulog pa nga siya sa bathtub pero ipinagpatuloy pa din niya…ipinakita ang determinasyon nyang matuto kahit pa madaming limitasyon. . .hanggang sa maperpekto niya. . .

 

Yung potensyal, hindi nanatiling potensyal lamang. . .naging kinetiko ika nga sa pisika.

 

Sigurado ako, sinabi niya sa sarili niya na kaya niyang gawin yun. . .at kaya niyang bigyan ng oras ang sarili niya na gawin yun. . .

 

Naisip ko pa— PiNAGBAWALAN siya na sumayaw ng ballet. . . e ako. . .sa mga bagay na ginagawa ko. . .wala namang nagbabawal. . .suportado pa nga ako kung tutuusin.

 

Pauulit-ulit sa isipan ko. . .hindi ko napapagyaman ang sarili ko sa mga makabuluhang bagay. . .parang hindi ko masyadong natutuunan ng pansin ang mga bagay na dapat sana ay pinagaaralan ko. Nauunahan talaga ako ng karuwagan at katamaran. O mas totoong aminin na PINAUUNA ko sila.

 

“yun pinakamadeadmang tao, nalilimitahan ang tyansya ng pagkatuto” -bossing

 

Hanggang kelan ba ako magiging musikerang nakakubli at uhaw na. . .ahshet. . .ang hirap managalog. . . hanggang kelan ba ako magiging closet musician at starving artist. . .YUN NALANG.

 

O kaya. . .mas pormal na. . .until when will I be a closet musician and a starving artist? (and it’s as well bloody to speak in English, , ,youknow. . .)

 

(si aning ng kamuning ang sagot ng tinanong ko ang tagalong ng artist—artista daw, di ko alam kung matatawa o maiinis ako e. . .hehe. . .si Hiraya at Lethalverses naman, binasted ako.  . . hindi sumagot…)

 

sumagot na ng maayos si aning at LV…”alagad ng sining” daw…

 

“hanggang kelan ba ako magiging musikerang nakakubli o uhaw na alagad ng sining ?”

-napundingTAMADUWAGalitaptap

 

(ginamit ko nalan yung uhaw kesa gutom. . .hehe at salamat sa youtube para sa video at IMP para sa poster. . .AT OO ALAM KO  DIN ANG SAGOT KUNG KELAN . . .YUN AY KUNG KELAN AKO MAGDEDESiSYONG MAGARAL, MATUTO AT MAGPAKAHUSAY)