napundingalitaptap*



bagyo

oo. . .
kanina ko pa sinasabi na matutulog na ako
at matagal ko ng ipinangako sa sarili ko na hindi ako magsusulat sa en-ey* wordpress blog na ito ng mga randomness ko.
pero. . .di ko mapigil.
e nagkalat na kun saan-saan ang mga salita ko, wala pa rin nakarinig.

ni nakapulot. WALA.

OO. NASASAKTAN AKO SA PAGIGING “NOBODY”.

nobody pero malaki ang doboldobol chin at tyan. . .how bolsyet i am.

gusto mo ng wish? mukha naman na akong buddha. try to have a free himas sa doboldobolchin o tyan ko.

 

miss invisible-marie digby-youtube


isleyb

“alangan man murudahon ta.” -dad

“alangan namang murahin natin.” yun ang treksleyshen nyan…

oo… mali talaga sa kahit anong banda na magsalita ng masama sa ibang tao… nagigi akong impulsive lately…

mahilig akong magmura, walang control. . .alipin ng mga salita’t emosyon.

ayoko neto. . .hindi naman ako pinalaki ng ganito. . .hindi ko din gusto na ganito. . .

desensitize…



hindi ako galit. . .

E putang ina. . .gago ka, isa lang ang gusto kong gawin sayo ngayon, BASAGIN ANG MUKHA MO!!!

 

Ilang beses mo ding pinagmukhang walang-kwentang tao ako, ilang beses mong sinira ako sa sarili ko. . .tapos ngayon ayos na ako, tsaka may maririnig akong mga bagay na. . . . . . . ay pakyoo talaga!!!

 

E mahal mo naman pala ako e, bakit hindi ka man lang nag-assert dati? Ang galing mo kasi, hindi mo ako kinakausap, anu ako, hangin???? NAPAKALIIT NG TINGIN MO SA KAKAYANAN KONG MAGMAHAL, MAGTIWALA, MAGMAHAL, UMINTINDI AT MAGMAHAL ULIT. . .

 

Ang dami-dami mo palang nasasabi sa iba tungkol sa akin na hindi ko man lang alam. . .

 

Tuwing nawawala ka? Inaayos mo ang sarili mo? TALAGA? Hindi ko nakita, hindi ko nadama….dahil paulit-ulit ka lang nawawala, at paulit-ulit mo akong nasasaktan.

 

“mahal ko si en-ey, kaya nga hindi ko nalang sya ginagerpren agad-agad, kasi gusto ko maayos ang sarili ko”

 

Magandang marinig yun, parang ginagalang mo ako….pero ULUL! Anung akala mo naman sa akin, pag gusto mo oo na din ako??

 

Asayoo asshole!!

 

Bahala ka ng umintindi neto, tutal.. . . ikaw naman ang magaling umintindi ng mga bagay…

 

Taengshit, baka pag makita kita. . .hmmmf!

 

(hindi ito tungkol sayo. . .ulul!)


naging batang muli

kelan yun huling insidente na nagsumbong ka sa nanay at tatay mo? mga ilang taon na ang nakalipas? inagiw na ba?

noong bata tayo, madalas yan.

pag nadapa, sumbong

pag may kaaway, sumbong

pag nasaktan, sumbong. .

teka, kelan ka ba huling nadapa, nagkaaway at nagsumbong?

AKO? KAHAPON.

di ko akalain na dadating muli ang isang araw na iiyak ako at maiisip na wala ng mas titino pa sa pagsumbong sa magulang ko. . .

para akong bata na hindi makapagsalita, di ko maibukas ang bibig ko. .

hindi ako makapagsumbong. tanging tunog lang ng pigil na pagiyak ang naririnig ng nanay ko.

“LALAI. . .”

(sob!)

“LALAI, ANU, MAGSALITA KA”

(sob!)

“LALAI, ANONG NANGYARI?”

(sob!)

“ANU, TATAWAGAN NALAN ULIT KITA?”

“e kasi. . . . .huhuhuhu”

para akong bumalik sa pagkabata, yun alam mo lang na anu pa man, nandyan lang yung nanay mo, anu pa man pakikinggan ka niya, anu pa man maiintindihan ka nya, kahit pa puro HUHUHUHU ang naririnig nya sayo at WADAYAYAYA ACHUCHUCHU. . . E KASI (singhot singhot!). nun baby nga tayo alam nila kun kelan tayo gutom, inaantok, naiinitan o kinakabag kahit iyak lan.

 ewan ko, dito ko narealize na kahit anong mangyari, wala pa ding makakapagpakalma sayo gaya ng kapangyarihan na meron ang magulang natin.

yun pag sila ang nagsalita, tatahimik ka na lang at makikinig. . .at palaging magiging bata.

dad: kumusta ka na?

en-ey: okay na, maga nga lang ang mata

dad: o, bakit, sinong sumungkit?

en-ey: wala, napagod lan ako kaiiyak. . .

dad: kain ka, rest a lil, then back to work. that’s life. Wag ka lang sasaktan

en-ey: e anu namang gagawin mo pag sinaktan nila ako?

dad: kukurutin ko, hehe. hindi, pag sinaktan ka, liable sila under the law. no one is free to inflict any harm on you, anyone!

asos! ang daming alam ng tatay ko, ang cool di ba. . .dami pang sinasabi, gusto lan naman ipaalam na andyan lang sya at mahal nya ako.

bigbro: lalai kumusta? Oh d-d-d-dear!

en-ey: bakit mo ako kinukumusta?
              nabalitaan mo na ba yung pandudusta na ginawa sa akin?

bigbro: yup
                thrilling nga e

                nako baliw yung nanay e

en-ey: heto naman
              hehe
             alam nyo pa naman na hindi ako sanay madusta
             at ang negative at weak ko sa ganun. . . mukha ngang nagworry kayo

bigbro: gusto m ksi e ikaw ang gumagawa nun. (pandudusta..ahaha)

              nanggagalaiti nga dn ako e

              dapat  binara m ng “yeah right” mo o kaya “excuse me” mo.

etong si kuya, lablab din ako. . .tinuruan pa akog magmaldita, basta wag lang akong naaapi.

haaaaaaaay.

ang sarap naman.

ANG SARAP LANG BUMALIK SA PAGKABATA.

owshet! regression of en-ey! ahaha


wala muna akong kwento kun anong nangyari sa buhay ko nun balenstaym

pero salamat ke efbee, rose, saci, gejey sa bulaklak

salamat muli ke efbee para sa pandagdag na ornamento sa wrist ko

salamat sa mga kabacchus kids ko…ke tsong, tol, pare at dude. . .(MASYADO AKONG MASAYA KAHIT BADTRIP ANG MGA JEYJEYS NA YUN, pati mga pulis patolas.)

sa libreng akomodasyon galing ke ate dam

sa tsokolate ni apolera. . .

AND MANY MORE.

yun nalan muna…gonna fly first.

SHET ANG TRABAHO, SIRA SA BLOGGING TIME.


nasaan?

bakit ngayon, mag-isa na lang akong lumuluha

NASAAN KA NA BA??

lahat na lang ba yun sa alaala na lamang

NASAAN KA NA BA?

di na ba talaga maibabalik ang dati

NASAAN KA NA BA?

NASAAN NA BA?!! NASAAN KA NA BA KASI?! DI KA NA BA BABALIK PA?


trutulayp “bigo si selina” story

“i love you. i’m sorry if  i wasn’t able to make you feel it” Continue reading this entry »


blah!

nakakasawa na.

palagi na lang ba?

lintek, ayoko ng uminom at magpakalasing sa tubig kanal.


sa iyo, sa akin

kilos ko, sa iyo

salita mo, sa akin

awit ko, sa iyo

tula mo, sa akin

naglalaho tulad ng tala

sa pinakamaulap

maulan at napakadilim na alapaap

at lantang gaya ng rosas

namuhay ng san-daang taon

namatay noong ika san-daan’t isa

 

kalinga ko, sa iyo

pagmamahal mo, sa akin

 

lahat naglaho