napundingalitaptap*



pseudo-blog vs. traditional

ilang araw na din akong nagiisip ng isusulat. sa totoo lang, madami din talaga akong naiisip isulat. marami lang nga din talagang mga bumabagabag sa isip ko.

sa araw-araw na paguusap namin ng sikat na si ferbert bautista e isa dyan ay ang magbabalik blogging na ako. tapos, tsaka kami manghihikayat ulit sa mga kaibigan namin na magblog na ulit.

meron naman mga nagbalik blogging na, yun nga lan, sa tumblr na sila nagbablog. hindi ko maintindihan kung anung meron sa tumblr na yan. isang taon na rin yung tumblr account ko, pero iniwan ko lang ding nakatiwangwang. simple lang, hindi ko kasi maintindihan, isama mo pa yung ideya na nakita ko yung “tumblrarity” mas lalo akong tinamad.

pero nitong mga nakaraan, sinubukan kong balikan yung oopsen-ey tumblr. malaman man lang kung bakit nga ba nandun na yung mga real time blogger na kilala ko. anu bang meron TALAGA sa tumblr. inalam ko, ilang araw kong sinubukang kilalanin yang si tumblr na yan. sinubukan kong ienjoy. di muna ako nagkumentaryo ng masasama ukol sa kanya.

ngayong araw, bumulaga sa akin ang blog ni bentambling, yung “Ibalik ang Dignidad ng Blogging.” binasa ko ito ng mataimtim, inintindi. . .ayun, di ko naintindihan, toink! oo naman, napa-oo na lamang ako. ibang-iba kasi talaga ang tumblr sa tradisyunal na blogging na kinalakhan namin (yuck kinalakhan…laki ng kinalkhan mo gugol) anyway, si gugol nga pala ay bentambling sa tumblr (korni pa din).

madami-dami din ang kaibigan ko ngayon kahit offline na dati’y kaibigan ko lang pag online. iba. iba yung pagkakaibigan na meron kami. yun di mo maisip kung paano naging malalim at totoo. mga bagay na hindi naiintindihan ng magulang mo, na paano kayo naging magkakaibigan kung hindi naman kayo magkakapit-bahay o magkakaklase.

balikan natin yung tumblr, ang mga finafollow ko sa tumblr ay yaong mga kakilala ko. . . pero, meron kanina sa aking nagfollow na hindi ko kilala. naisip ko lang silipin ang page nya. at impernes to her, nawili ako sa mga nababasa ko, sa mga gawa o ni-reblog nya. sa ilang minuto, ang dami ng pahina nya ang nadalaw ko. hindi ko talaga masisisi ang mga tumblr kids. sa tumblr kasi, in an instant, naexpress mo na yung sarili mo, kung anu ang totoo mong nararamdaman. minsan nga lan, hindi naman nila talaga yun nararamdaman pero parang reblog nalang ng reblog. parang umaako na ng damdamin ng iba, kasi, natuwa lang.

pindot quote, sulat mo na yung quote na naisip, narinig, nabasa o nakaulinigan mo

pindot text, sulat mo na kung anuman yung gusto mong sabihin. “blog” sya para sa akin.

pindot picture, upload mo na yung picture na may mga messages o quote

ganun na lang kasimple. yun na yun. instant.

pero, paulit-ulit kong iniisip. napakasimple ng pamumuhay sa tumblr. walang effort, click mo lang yun “follow” alam mo na agad yung mga pinopost ng mga gusto mong ifollow. naalala ko lang, sa tradisyunal na blogging, mehn, araw-araw mong dadaan-daanan o dadalaw-dalawin yung mga site na gusto mo. masipag ang mga tao dun. hindi lalabas sa dashboard mo kung anu na, nagpost na ba yung mga iniidolo mo. talagang sasadyain, dadalawin. blog hopping, may tinatawag kaming blog hopping. yun yung magbabasa ka ng mga blog ng mga tao.

at ngayon, sa tumblr na yan, “like”. . .”reblog” TAPOS NA.

wala ka ng sinabi, niclick mo lang yung puso at tada, like na. hindi ka man lan nakapagreact. di mo lang man nasabi ang reaksyon mo, nakapagsimpatya ka ba? natuwa ka? nasabi mo bang parang tanga yung pinost nya at iemo-emo sya? nasabi mo bang andyan ka lang? KULANG. kulang yung growth.

kulang yung pag-express mo, HINDI HIJA, KULANG ANG EXPRESSION NA TINUTULONG SAYO NG TUMBLR.

pag yung ideya lang kasi, nasa isip mo lang, hindi nahihinog, nabubulok lang. para sa akin, pag nagbablog ka kasi, pag nagsusulat ka ng mas may detalye, mas nagiging malinaw ang mga bagay-bagay. mas naiintindihan mo, hindi ka matatapos ng “YUN”, “GANUN NA LANG”, “BASTA ” tapos na.

halimbawa na lamang dito, “i’m so sick of getting hurt” napakavague. anu ba talagang gusto nyang ipahiwatig? siguro, kung nasaexpress nya ng mas mahaba-haba, kung hindi man nya naovercome kung anu man ang nirereklamo nya e atleast nabawasan lang man yang bigat na nararamdaman nya. nadama lang man nya na may mga nakikinig ng mga hinaing nya, na may mga may concern. sa tumblr, di mo alam e, SO SICK OF GETTING HURT KA NA NGA, ni-like pa. anu yun, likable na yun yung nararamdaman mo?

sa TOTOONG BLAGISTA, ang quote ay hindi matitigil sa pagiging quote lang, napapahaba nila ito. depende sa paniniwala nila, depende sa relasyon ng quote na ito sa pinagdadaanan nila.

AT ITO PA, ITO PA… kung bakit ko mahal na mahal ang totoong pagbablog. sa blogging kasi, nagkakaroon ka ng mga tunay na magkakaibigan. minsan, gaya ng nanay ko, iniisip ko kung paano ko nga ba naging kaibigan ang mga taong to, pero, ito at ito lang, PAANO MO SILA HINDI MAGIGING KAIBIGAN E GAYUNG PARANG NAPASOK MO ANG PUSO AT ISIP NILA DAHIL SA MGA SINUSULAT NILA.

masaya ang tumblr, pero, mas masaya pa rin yung REAL THING.

 

pero sige, hindi ko naman inaaway ang tumblr, pero, anu, ahmmm. . . . ibang-iba lang din talaga ito.

iba na talaga ang mundo, nakakamiss din pala ang friendster, alam mo kung sino talaga ang mga nagmamatyag magstalk sayo. iba din ang wordpress/blogspot/livejournal o kun anu pa mang classic blogsite dyan. ngayon kasi e, parang yung mga stalker mo, tinutulungan mo na na iistalk ka ng walang kahirap-hirap.

AT KAYA AYAW KONG NAGBABLOG. ANG DAMI KONG SINASABI. . . . .pero, mas masarap matulog matapos magblog, isipin mo, binigyan mo ng oras yung utak mong pansinin. hahahahahahaha

COMMENT, walang comment sa tumblr. bleh! =P

credits nga pala kay cLarenze.tumblr at tugsdear.tumblr. . . pasensya na, hindi ko maipaalam yung photos nyo, PAANO? e wala namang comment box sa tumblr. pero yun, di ko naman inalis url nyo. =P salamat. (=

AT PAHABOL

ako: nagtatumblr ka ba?

gdesperado:  jan na kasi ako officialy magbblog. . .so from multiply to tumblr

ako: seryoso ka dyan? dun ka na magbablog? NAGEENJOY KA DUN?

gdesperado:  hindi pa masyado. . .kasi nahihirapan na ako magcompose ng ibblog ngayon. . . seriously

ako:  nahihirapan kang magcompose ng blog sa multiply. . .kaya. . .sa tumblr nalan?

gdesperado:  kasi easy to blog dun. . . reblog reblog!

NAYUN LAN TONG USAPAN NA TO. . . di ko alam kung matatawa ako o mahahabag.

di bale na. shatap na ako. sa susunod ulit. SALAMAT SA MGA NAGPUSH SA AKIN NA MAGSULAT ULIT.

pssst, blogger friend, magblog ka na ulit!=P

Advertisements

Trackbacks & Pingbacks

Comments

  1. * GDESPERADO says:

    LIKED IT

    REBLOG KO SA TUMBLR HA!

    BWAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHAHA

    I LABYU

    waw, i labyu too. at natakot ako sa sabi mo na ipopost mo to sa tumblr, baka awayin ako ng tumblr kids.

    gdesperado:pra mamulat ang mga matang nabulag ng tumblr
    ako: TAMA, kaso…sana, makuha nila ng tama
    gdesperado: IREREBLOG LANG NILA YAN

    | Reply Posted 7 years, 3 months ago
  2. * ayz says:

    kung di blocked dito ang wordpress.. ibig bang sabihin nun, sa wordpress na muli ako magblog?? T_T

    kakatamad mag lipat ng mga blog post..

    will write again.. pretty soon.. promise 😀


    wawawaw..oo, magsulat na ulit tayo, gusto ko na ulit pasukin ang utak at puso mo *drools* wordpress!!! kelan kaya yang pretty soon na yan? excited na my face

    | Reply Posted 7 years, 3 months ago
  3. * Jakey Junkie says:

    Hindi rin ako gaano tumatagal sa Tumblr. Nagpupunta na lang ako siguro du’n kapag may kagaguhang picture akong gustong i-share, o kung may masayang link na gusto kong ipabasa.

    Pero mukha na ngang dahil din sa Tumblr e nawala na ‘yung pinaka-essence ng pagba-blog. Reblog na lang ng reblog, hanggang sa wala na lang talagang original content na mai-post. Ewan lang. 😀

    oo, unfair ngang tinatawag nilang “BLOG” yun… subjective naman ako sa sinasabi ko, so kung anu pa man. . .anu. AYUN. toink! haha. salamat sa pagbabasa, saka pagcomment. teka, matanong ko lan, kilala ba kita sa totoong buhay? hindi? kthnksbye. =P

    | Reply Posted 7 years, 3 months ago
  4. * FerBert says:

    naghahanap ka ba ng kaaway?
    hahahaha

    pakiramdamo ko may mang-aaway sayo eh. haha. anyway andyan naman si tumblr celebrity mariano papabakapan na lang kita.

    wala akong masabi masyado. hahaha. xoxo kookoo

    alam mo naman ang sagot ko sa tanong mo, HINDI. hindi ako naghahanap ng kaaway. alam mo namang anu. . .ahm, peacekeeper ako.. minsan peaskeeper din… yun nga lang, nayun yata pisskeeper tambler wateber. haha, sus. HINDI NO…. at ayun, sino namang aaway sa akin, e ang totoong blogger, marunong umintindi at rumespeto. SUBJECTIVE lang naman ang lahat ng sinasabi ko, kun di yun ang paniniwala ng iba, edi. . .anu, YUN NALANG DIN KASI. ahihi, keme lan

    at saka, malalaki na tayo, keber na sa war. xoxo efbee

    | Reply Posted 7 years, 3 months ago
  5. * gillboard says:

    nagmula sa plurk ni ferbert bautista…

    matapos kong basahin, wala na akong ibang masabi kundi… tama ka.

    wala na atang tatalo sa totoong pagbablog.

    OHOHOY, salamat. oo naman, kahit anung bagay, pinaka-okay yung “TOTOO”…sa blog man o sa kahit anung meron sa lupa. (anu daw?) apir!

    | Reply Posted 7 years, 3 months ago
  6. * Gugol says:

    putangina. panong nakalogin ako sa wordpress? nagbura ako ng cookies kamakailan lang ah.

    may angking hiwaga ata ang wordpress mo.

    weniweys… purist ka. tumblr pa rin! tumblr!

    at sinong nagbigay sayo ng pahintulot na magmura sa blog ko? ang cookies, KINAKAIN, hangal (tigidigdigtgs)..oo, mahiwaga talaga ang wardpriss ko. WATEBER TAMBLER. at sana, sumikat ka na sa tumblr na yan, para hindi na CONTRADICTING ang mga statements at actions mo, WEIRDO!

    hugs widakeyp.haha

    | Reply Posted 7 years, 3 months ago
    • * Gugol says:

      hmph! hugs widakeyp too!

      hampasan na lang tayo ng lolocam sa mukha. haha.

      lugi naman ako dun, sayo, WALA NG SISIRAIN SA MUKHA MO! tshe!

      | Reply Posted 7 years, 3 months ago
  7. * eloiski says:

    wahahaha!
    kilala kita!
    basta nagcocomment din ako dito dati eh.
    hakhak! wala lungs!

    may tumblr ako pero lurker lang ako dun.
    hindi ko masyadong feel kasi hindi ka masyadong nakkaainteract sa mga ibang blogger.
    mas gusto ko pa rin ang ganitong klaseng blogging.
    kahit masyadong mahaba ang poste pero mas may sense. mas may katatawanan

    pero hindi ko naman itatanggi na minsan eh natutuwa ako sa mga kwelang picture.
    ang tumblr parang ano na lang eh picture gallery ng mga kakwelahan! hakhak!

    LIKE! hakhak! baka gusto mo REBLOG din.
    o sige FOLLOW na nga lang! hakhak!


    ohai!oo, napapadpad ka din sa mga blog ko dati, at ayun, ako’y proud sayo dahil parang walang kang tinag, wohohoho. . .oo, natutuwa ako sa mga wordart sa tumblr, pati anu, andun nga kasi mga blogger friends, para makaconnect pa din sa kanila kaya tumamblr, pero sana bumalik na sila sa mga sites nila. haha. ayun. ako, puro like. =P

    | Reply Posted 7 years, 3 months ago
  8. * paps says:

    naghanap ako ng alitaptap na pundido ala ako nakita

    e hindi mo talaga makikita. . .hindi mo naman yata totoong hinanap. . .*smug* =P

    | Reply Posted 7 years, 3 months ago
  9. * billyow says:

    okey okey…di ako makarelate kasi wala akong tumblr..oh anyways kung walang comment tumblr panu mo matatama yun di dapat sa pag bloblog..sabagay kanya kanya naman yan..kung forte nila mag reblog..gow!! iba ka kookoo!!

    meron naman comment-komentan, pero dyahe…haha, hindi ako iba, IMBA ako…wutduh! haha

    | Reply Posted 7 years, 3 months ago
    • * billyow says:

      wahaha..nakikiimba ka na din ahh…ayos!!imba moments..

      syempre, =P

      | Reply Posted 7 years, 3 months ago
  10. * teresa says:

    eto ang nakaka-miss eh..
    ang magbasa ng blog entry mula sa isang batikang blogista..

    halu! kookoo!
    namamasyal lang..hehehe.

    uy, nadaan ka, amesyu!! ako’y nagulat, natuwa ako na nakadaan ka… at ako, BATIKAN? natawa ako, natats din. ahihihi… hugs.

    | Reply Posted 7 years, 3 months ago
  11. * mcrey says:

    Ayoko ng tumblr kasi hindi ako makapagcomment sa mga blog ng nagustuhan ko.

    I think, tumblr, para sa mga tamad magbasa/magsulat; kasi puros maiksi yun mga blogs dun, minsan pics lang, minsan sentence lang ayun na. Kung ano lang talaga yung maisip mo yun na ilalagay mo. Kung interaction lang yung pag-uusapan, mas ok tweeter pero kung discussion and all that jazz, mas okay pa rin yung blog talaga.

    Gusto ko lang tumblr kapag may naisip akong qoute… hahahaah diretso facebook pa.

    | Reply Posted 7 years, 2 months ago
  12. * kleyripiko says:

    ate. 🙂 galing naman. nainspire ako. hehe. i shared the link to my tumblr followers. hehe. sana nga may mainspire din. 🙂 saludo ako sa mga sinabi mo. heehee. hindi lamang ako naoffend. Ü

    | Reply Posted 6 years, 9 months ago


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: