napundingalitaptap*



heypiburtdey

“HAPPY BIRTHDAY”

Minsan, nagtataka ako kung bakit naimbento ang birthday. Um, oo, nariyan na yung ideya na lahat ng tao may araw ng kapanganakan. Pero, bakit pa ito sineselebra. Anong ispeyal dito?

Bakit ka pa binabati ng mga tao? Para maalala mo na ipinanganak ka ng ganitong panahon, ganun?

Gaya ng tanong ko kung bakit ka pa kailangang batiin, tulad ng kapag pasko at bagong taon. Bakit? At bakit kaya sa mga pagbating ito, kadikit ang salitang “happy” para sa “happy birthday” at “happy new year”, “merry” para sa “merry Christmas”

Minsan tuloy, nakakapanghina na isiping hindi mo kayang maging masaya gayung parang obligado kang maging masaya sa mga araw na iyun. E sa hindi. At sa totoo lang, masaklap isipin na kailangan kang maging masaya, parang napangunahan ka na malungkot ka talaga. At dahil birthday mo, ibahin mo naman. Dapat happy, dapat, Masaya. Weird. Peke.

Gusto ko sanang ikumpara ang araw ngayon kesa sa mga kaarawang nagdaan. Pero hindi na lang, iba nga ang pangyayari mga isang mili-segundo ang nakaraan, ngayon pa kaya sa nakaraang 365 na araw.

Nagsimula ang araw ko na hindi lang man nabati ng mga kasama ko sa bahay, kewl!

Dumating sa eskwelahan, may mga bumati naman, NASOBRAHAN. Meron akong estudyante na paulit-ulit-ulit-ulit akong binabati. Alam ko naman na birthday ko. At salamat na rin, dahil sayo, naaalala ko na birthday ko nga. Ilang beses kong naitanong sa mga tao sa trabaho ko kung anong petsa ngayon, ibig sabihin, tila ba walang masyadong espesyal sa araw na ito. Nakakadismaya.

Isang araw ang nagdaan, trentang birthday card, ang dami. Kaso, ACTIVITY for the day. Kung walang activity na pinagawa ang mga guro na igawa ako ng card, masaya na ako sa isa.

Patapos na ang araw, wala pa rin bago, wala pa ring espeyal.

Nagmumukmok sa isang sulok ng sariling silid-aralan, pagod na pagod, lunod na lunod sa mga buntong hininga. May lumapit at nagtanong,

“bakit ka malungkot dyan e birthday mo nga, halika nga dito at ililibre kita. Anu bang gusto mo?”

“ICECREAM” sagot ko ng walang pasubali gayun alam kong rason ito para dumikit ang pwet ko sa mga inodorong matibay.

Sa mga oras na iyun, nakita kong kumislap ang mga mata ko kahit pa hindi ko ito literal na nakita.

Sumama ako na parang bata.

“gusto ko ng mango icecream”

Nakipagkwentuhan ng kaonti at nagpasalamat.

Kahit papaano ay nagkaroon ako ng gana para maging Masaya-saya naman. Nagbantay ng mga bata na hinihintay ang kanilang mga magulang. Naisipang makipaglaro sa isang bata.

“anu ba yan?!” ang palagi nyang wika. Paano kasi, sipa bola ang drama namin. At sobrang walang kwenta ang mga sipa ko, matapos ang mga kwarentang sipa tsaka ako natuto. At di ko ikakaila na naging masaya ako.

May mga tumawag, na pinilit ko pa sanang iwasan at di sagutin, pero yun, nakapagpasaya din.

Nakipagkwentuhan sa mga kasama sa bahay, at nalaman na hindi nila alam na ngayon ang kaarawan ko, malamang, paano naman nila ako babatiin? Coke at pansit, humabol, hurray! Kinantahan pa ako ni 2-year old nephew, whew!

Nakakita ng 2 batang gusgusin at binigyan ng cupcakes, solb!

Naisip ko lang, iba nga naman kapag birthday mo, kung hindi mo dama na espesyal ka sa mga nakaraang araw, kahit papaano’y may iba pa din kapag birthday mo. Simple lang, mas maingay ang telepono mo, mas madaming nakangiti sayo, madaming makulit at humihirit ng libre.

Naalala ko lang, pag inunahan mo nga ang lungkot, hindi ka nya bibiguin. Pag inunahan ka ng tanong, magiisip ka pa ng ibang tanong pa, hindi makikinig sa mga sagot na alam mo naman na.

Hindi pa huli. 11:59 palang, happy birthday sa akin. Indeed!

SALAMAT  SA ARAW NA ITO, SALAMAT SA IYO…LALO NA SA IYO! 12:00AM jan 13, 2010

SIMPLISIDAD- sagot sa kasiyahan ng tao. Totoo. 12:01AM


Trackbacks & Pingbacks

Comments

  1. * love says:

    elow!!

    nice to be back here!!

    | Reply Posted 13 years, 7 months ago
  2. * Adel says:

    Totoo ito! Yan ang comment ko 🙂

    | Reply Posted 13 years, 6 months ago


Leave a reply to love Cancel reply