pakiusap
Minsan meron, minsan wala.
Kadalasa’y wala.
Ngunit pag meron, madami.
Pag wala, malungkot.
Pag madami, nakakalito. . .
Bakit ganun?
Sa mga oras na wala,
Walang-wala
Sa mga oras na meron,
Masaya, ngunit umiiwas.
Kelan totoo?
Kelan hindi?
Sino ang totoo?
Sino ang hindi?
Bakit sabay-sabay sumusulpot?
Kabute?
Bakit sabay-sabay naglalaho?
Bula?
At bakit gayung totoo. . .
Pinalalabas na guni-guni lamang?
Ingatan nyo naman ang puso ko.
At teka, isa lang naman ang kailangan ko
Pero papaano kita mapipili,
Kung lilisan ka din
Kasama ng mga pangarap
Na aking ibinuo na sanang ika’y kasama?
Di ko kailangan ng madami
Sabay-sabay
Isa lang sana
IKAW LANG SANA.
(hunyo 27, 2010) at tulad ng inasahan. . . nawala din sya. . .at sa totoo lang, MABUTI NALANG. nyehehe! =P
gayunpaman, ang dasal ko pa din ay sana, may manatili. . .
pag nababasa ko to, parang yung mga tulaan sa tren… tssssssss….
base….hehehe…
ganun talaga…..
bakit ba lahat yata ng mga tahanan ganito ang sitwasyon ngaun…. sa tahanan ko ganito din eh….
wag kang mag alala my dadating pa sau, na hindi ka iiwan….
*hugs*
| Posted 1 year ago