naging batang muli

kelan yun huling insidente na nagsumbong ka sa nanay at tatay mo? mga ilang taon na ang nakalipas? inagiw na ba?

noong bata tayo, madalas yan.

pag nadapa, sumbong

pag may kaaway, sumbong

pag nasaktan, sumbong. .

teka, kelan ka ba huling nadapa, nagkaaway at nagsumbong?

AKO? KAHAPON.

di ko akalain na dadating muli ang isang araw na iiyak ako at maiisip na wala ng mas titino pa sa pagsumbong sa magulang ko. . .

para akong bata na hindi makapagsalita, di ko maibukas ang bibig ko. .

hindi ako makapagsumbong. tanging tunog lang ng pigil na pagiyak ang naririnig ng nanay ko.

“LALAI. . .”

(sob!)

“LALAI, ANU, MAGSALITA KA”

(sob!)

“LALAI, ANONG NANGYARI?”

(sob!)

“ANU, TATAWAGAN NALAN ULIT KITA?”

“e kasi. . . . .huhuhuhu”

para akong bumalik sa pagkabata, yun alam mo lang na anu pa man, nandyan lang yung nanay mo, anu pa man pakikinggan ka niya, anu pa man maiintindihan ka nya, kahit pa puro HUHUHUHU ang naririnig nya sayo at WADAYAYAYA ACHUCHUCHU. . . E KASI (singhot singhot!). nun baby nga tayo alam nila kun kelan tayo gutom, inaantok, naiinitan o kinakabag kahit iyak lan.

 ewan ko, dito ko narealize na kahit anong mangyari, wala pa ding makakapagpakalma sayo gaya ng kapangyarihan na meron ang magulang natin.

yun pag sila ang nagsalita, tatahimik ka na lang at makikinig. . .at palaging magiging bata.

dad: kumusta ka na?

en-ey: okay na, maga nga lang ang mata

dad: o, bakit, sinong sumungkit?

en-ey: wala, napagod lan ako kaiiyak. . .

dad: kain ka, rest a lil, then back to work. that’s life. Wag ka lang sasaktan

en-ey: e anu namang gagawin mo pag sinaktan nila ako?

dad: kukurutin ko, hehe. hindi, pag sinaktan ka, liable sila under the law. no one is free to inflict any harm on you, anyone!

asos! ang daming alam ng tatay ko, ang cool di ba. . .dami pang sinasabi, gusto lan naman ipaalam na andyan lang sya at mahal nya ako.

bigbro: lalai kumusta? Oh d-d-d-dear!

en-ey: bakit mo ako kinukumusta?
              nabalitaan mo na ba yung pandudusta na ginawa sa akin?

bigbro: yup
                thrilling nga e

                nako baliw yung nanay e

en-ey: heto naman
              hehe
             alam nyo pa naman na hindi ako sanay madusta
             at ang negative at weak ko sa ganun. . . mukha ngang nagworry kayo

bigbro: gusto m ksi e ikaw ang gumagawa nun. (pandudusta..ahaha)

              nanggagalaiti nga dn ako e

              dapat  binara m ng “yeah right” mo o kaya “excuse me” mo.

etong si kuya, lablab din ako. . .tinuruan pa akog magmaldita, basta wag lang akong naaapi.

haaaaaaaay.

ang sarap naman.

ANG SARAP LANG BUMALIK SA PAGKABATA.

owshet! regression of en-ey! ahaha

7 Responses to “naging batang muli”

  1. ron Says:

    ang sarap noh kapag may family ka na magcocomfort sayo? :)

    ani ibig sabihin ng pandudusta? hehe!

    oo naman…at hindi mo sinagot ang tanong ko. . .nagreak ka lan. . .hehehe…hmmmm, ang pandudusta ay pangaalipusta. . .LATELY ko lan din nalaman ang term na yan, NUN ARAW LAN NA NADUSTA AKO…ahaha

  2. The Gasoline Dude Says:

    Hahaha! Regression nga! *LOLz* Ang huli kong “regression moment” eh nung last year na hindi ko na kaya ‘yung trabaho ko sa gasolinahan na tipong tumataas na ang blood pressure ko at hindi na makahinga. Gusto ko na mag-resign nun eh iniyak ko na nga lang sa Nanay ko.

    minsan talaga yun nalan ang magagawa mo e, umiyak sa nanay mo. . .nakakapawi stress yun. . .therapeutic din ang mga nanay, we MUST admit.hehe. mas nakakaiyak magtrabaho kesa magaral o magkalablayp. . .affirm ba boss gasdude? ahaha

  3. Saminella Says:

    o hai thurr!

    aym so sahree ngayon lang ako nakadalaw. btw bumalik na ako sa dati kong bahay:

    http://saminella.blogspot.com

    mwawamxoxo.

  4. Yas Says:

    ehe. gusto ko ulit ng masusumbungan. kaso ang sumbungero, iniwan na muna ng bungangera. ehe ;0

  5. Nicely Says:

    last time na umiyak ako ng sobra eh nung mag-away ang parents ko leading to paglalayas ng daddy ko. wala akong masumbungan kasi involved pareho sila ng mommy ko. ang tangi kong nasumbungan eh ung special guyfriend ko over the phone. para talaga akong bata nun na humihikbi habang umiiyak. ok lang naman umiyak, sometimes we badly need it to release the pain.

  6. love Says:

    hayz…
    parang bumalik nga sa pagkabata..
    hehe
    nice to have a very supportive family..

  7. eser Says:

    natuwa ako dito..^^

    sobrang natuwa ako…
    mejo naiiyak..haay!

Leave a Reply