nasaan?

magkatabi tayo at maguusap

patagong magtatawanan

baka makita tayo ng mga propesor at mapalabas ng di oras

mga oras na magmamayabang

“iskolar e”

at

“e manunulat kasi”

magre-review pero manonood lang talaga tayo

kakain at matutulog na

tawa ng tawa ng tawa, habang naghahampasan pa tayo

yun di ka na makahinga at humuhilik na ako sa saya

di na ba talaga maibabalik ang dati

NASAAN KA NA BA?

>>

 

 

sa mga araw na bumabyahe ako, hindi ko pa din malimot ang mga alaala mo

yun itataas natin ang paa natin at maghahanap ng kahit anong asul na bagay

habang pansamantalang dumadaan ang ating sasakyan sa riles ng tren

nangangarap, tumatawa at masaya

oras na dadalawin kita sa bahay niyo

makakalimutan na nating kumain kasi mas masarap ang kwento

nakahiga, buhay tamad

nagpapatugtog

nakabukas ang kompyuter

mageedit ng mga litrato

matutulog ng madaling araw

e yung mga oras na umiiyak tayo ng sabay habang tumatawa

itinatawa na lang natin ang lahat kahit wala ng mapigang kasiyahan sa diwa

bakit ngayon, mag-isa na lang akong lumuluha

NASAAN KA NA BA?? 

>>

palagi na lang akong umuuwi ng mag-isa

naaalala ko ang mga oras na bawat umaga akong naghihintay na makasabay kita sa tren

naaalala ko ang mga sandaling masaya akong naglalakad habang kasabay ka

mga oras na basta lang, masayang masaya

ilang beses din nating hinintay gumana yun escalator sa estasyon

ngayon gumagana na, pero wala ka na. . .wala ng kwenta

yun magkekwetuhan tayo at tatawa

lahat na lang ba yun sa alaala na lamang

NASAAN KA NA BA?

>>

NASAAN NA BA?!! NASAAN KA NA BA KASI?! DI KA NA BA BABALIK PA?

5 Responses to “nasaan?”

  1. kukai Says:

    nikolai, kmusta na? nasan ka? mis you! payakap…

  2. lyingwithclotheson Says:

    uyyy!! UP fair lang katapat nyan!!

    hanapan kita ng kasama dun! lol

    balemtayms na balemtayms ang feeling! hehehe

  3. ron Says:

    try mo xang hanapin sa friendster…

    hays…is she/he your bestfriend? nakakalungkot :(

  4. brotherutoy Says:

    bloghop.
    ang totoo nyan eh ayoko sanang magcomment kasi di naman kita kilala tas napakapersonal ng post mong ito.

    pero syempre, comment pa rin ako kasi nakibasa ako eh.
    sana makita mo na ulit sya.

  5. eser Says:

    hmmmm…^^

Leave a Reply