pidi piru dipindi

“mag ti 3 weeks na yang post na yan.. kelan ko ba mababasa dito yung tungkol sa student mong asal tigre..rawr“

 -FerBert

Nasubukan nyo na ba yung wala ka ng maisulat sa dami ng nakabinbin na tema na nasa istante ng utak mo? Yung hindi mo na alam sa dami?

Parang ganito, nakorap ang LAHAT ng files sa plasdrayb mo, sa sobrang dami, ganun nalang, yun wala ka ng masabi kundi halahalapaksiyeeeet!

Ang tagal-tagal na ng huli kong post, tama nga si FB, patatlong-semana na nga ang post na laging bumubulaga tuwing bubuksan ang mistulang inabandonang blog ko. Feeling ko tuloy, walang nangyayari sa buhay ko.

Sa blogosperyo, siguro pasok ako sa lupon ng mga hiatus. Pero maaari ko bang sabihing, HINDI?

Matagal ko din talagang iniisip kung ilalahad ko nga kung anong “trabaho” meron ako, nabanggit ko din sa recent post(na hindi na yata recent kung tutuusin) na nagtuturo ako, teacher. 

“Teacher racoon” (racoon: a small mammal native to the forests of North and Central America that has grayish black fur, black patches around the eyes,>>>lagi kasing puyat >>> and a long bushy ringed tail.

Microsoft® Encarta® Reference Library 2004.)

OO, teacher ako, isang trabaho na kelanman ay hindi pumasok sa isip ko, pero yun ako, sa kasalukuyan. siyeeeeeeeeet.

Masaya na rin isipin na eto ang narinig kong sagot kay kaibigang Pedro

Blahblahblah. . .

pedro: ayos lang teacher :D

na*: ahahaha

na*: hmf!

na*: teacher, kumusta naman ang tingin mo sa aking bilang isang teacher?

na*: sige nga, seryosong tanong yan ha, , ,

pedro: mukang

pedro: ahmmm

pedro: (buntung hininga)

pedro: (yung malalim)

pedro: :) )

pedro: ok naman

pedro: cool na teacher :D

na*: ahahaha

na*: cool pala ha

COOL NA TEACHER?

FjordzHiraya: Anong damit mo pag nagtuturo ka?

NA*: naalala mo yun suot ko sa UP Fair? May mga araw na ganun ang suot ko.

UPFair, tanong mo siguro, yun yung annual weeklong celebration sa UP diba? gig ng malulupet na banda, minsan may jologs din gaya ng SPANGSKOLA. Alam nyo ang skinny jeans, tshirt at maduming chucks? Ganun. Ako yung teacher na ganun ang get-up mga tatlong beses sa isang linggo.

Pag naman trip kong magpormal-pormalan, naghahanap naman ako ng medyo matino-tinong girly blouse na pwede. Pero, bihira lan talaga yun.

Mahirap nga palang magturo, hindi madali. Nangangailangan nga pala ng mahabang pasensya, alam niyo kung gaano kahaba ang sanjuan bridge? Pwes, wala akong pakelam, hindi ganun. Mas mahaba pa dun ng milya-milyang beses.

FjordzHiraya: bakit di ka magalit?

NA*: bakit ka pa magagalit? E balewala naman sa kanila. Magsasayang lan ako ng oras kung magagalit pa sa kanila.

Ang titigas naman ng ulo nila ika mo siguro.

OO talaga, matigas talaga, isipin niyo ba naman, buo pa rin hanggang ngayon e araw-araw nilang iniuuntog ang mga ulo nila kundi sa pader, e sa sahig. Hardcore! Sila ang totoong hardcore, walang say ang mga headbangs ng mga metal, sa hangin lan yun umuuntog e, gas. . . etong mga to, SOLID!

NA*: hindi ako ma’am, I’m a teacher

NA*: i teach rich kids

NA*: wahahahhahaa

FB: sige na nga. teacher niko.. magplurk ka!

FB: turuan mo ko! rich ako! lolololol

NA*: ahaha

. . .

I TEACH RICH KIDS, 

But those with autism.

(taeness, napaingles tuloy ako ng di oras, hindi ko feel, hindi ko TALAGA feel pero kowted,yiheee).

Oo, nagtuturo ako sa mga autistic na bata sa isang local SPED school sa town namin. BS Psychology graduate ako(medyo paso, in ingles, engspayrd, na din ang status kong fresh grad dahil balita ko, hanggang two months lan daw yun), siguro kung nagtatanong ka kung anong ginagawa ko sa eskwelahan kung gayun.

Nasabi minsan ni pareng duroy na sayang naman ang pinag-aralan ko bilang psych kung magtuturo lang din pala ako. teka teka, earth calling everyone, psychology ang batas ng mga may aberration(self-claim lan, gusto ko lan ibida ang minamaliit na siyensya ng sikolohiya), at napaliwanag ko naman sa kanya na higit sa mga normal na guro, di hamak na mas madami kaming kaalaman kung bakit sila ganito, o ganun, mas makakatulong kami (bigat nga nun bangko e, BENCH hekshuli. nakaupo kasi ako at ibang sayk prends ko). Sa kinalaunan ng pag-uusap namin, naintindahan naman na niya ang punto ko, kaya ililibre na niya ako, yey!

Mahirap talaga ang ginagawa ko ngayon, akala ko kasi tuwing may makikita akong kakaiba sa mga bata, mayroon agad sasalo sa mga tanong sa isip ko, anong meron sa bata, pati mga kasama ko nangangapa, PAANO PA AKO?

 Hmf!

Kanina, nakatanggap lan ako ng isang matinding pananakit sa isang heschudent ko. Araw-araw, iba-iba. Yun tipong tadyak, kurot, kagat, tulak, name it, malaki ang tyansang naranasan ko nga yan sa iilang linggo kong nagtuturo.

Sipon– nakakahawak ako nun, laway—parang gripo everyday, uu—hasos, mtindi na nga ang tolerance ko sa amoy nyan, MABUHAY ANG DIAPERS!!! Bespren ko na yan! Salamat sa araw-araw na pagsalba sa maaaring pag-hudas-pwet-ba-ho ko. . .

Minsan, hmmm, madalas pala, naiisip ko kung anu na ba talaga, gawa ba ng mahaba naman ang pasensya ko,  gusto ko na kaya ang ginagawa ko. Handa na nga ba ako na gawin itong propesyon.

Tinatanong na din ako ng nanay ko kung kelan ko daw ba gustong bumalik sa Maynila para sa pagasikaso sa pag-aaral ulit, MA for SPED.

Gusto ko nga ba ng mas malawak na kaalaman sa mundo ng mga batang ganito? Madalas ko talagang iniisip, at hindi ko maarok. Kung oo man, hayaan nyo na muna akong sarilinin kung ano yun. Simpri para may thrill! Sa totoo lan, nalilito pa din ako. Nasa proseso pa ako ng masinsinang pagtantya kung dito na nga ba talaga ako, hindi ba sa HR office(di ba kuya M, para gumawa ng memo,ahaha), o couseling room, o laboratory, o ospital o sa. . . . . .(sikretoooo, di ko sasabihiiiiin)

Teka, nasabi ko bang wala akong nakukuha ni isang-kusing sa pagtuturo ko? 

KAWANG-GAWA nga ika ni Pareng duroy, madaming nagtatanong kung anu naman daw ang napapala ko sa ginagawa ko. Ang sagot ko, madami, papiso-piso, ayun nga lan, piso sa katawan! Battered teacher ang darama!!

Pedro: isa kang huwarang pilipino

hmf!

Sa totoo lan, madami, pero hayaan niyo akong sabihing KAUNTI LAN, pero sa kakaunting yun, ito yun mga pinakabasic pero pinakamahalaga. Yun ang mga naiisip ko.

Anu na nga ba ang mahalaga sa buhay ngayon? Ang dami na kasing makamundong pagpapahalaga ng mga tao. Importante ang pera, uso na din ang lamangan, siraan at yabangan.

Hindi na maganda, ang dumi na ng mundo, ang dumi-dumi! (ikaw, depende na sa pagkakaintindi mo dyan, literal ba? chroneicon, basurero ka diba?)

Ayaw ko na sinasabihan ako na iwan ko ang gawaing yan, dahil kung tutuusin, masarap din sa pakiramdam na nagbibigay ka ng serbisyo na walang kapalit, at higit sa lahat, gumagastos ka at umaasa sa mga pera ng magulang mo, nakakasama mo ang mga PINAKATUNAY na mga tao sa paligid mo.

Sila iyong hindi kailangang umarte mapansin lamang, sila iyong iiyak dahil gusto nilang umiyak, sila iyong tatawa dahil gustong tumawa, sila iyong makikinig kung gusto nilang makinig, maglalaro, makikipagusap. . . magmamahal.

Kung tutuusin nga, napakaswerte nila na hindi sila biktima ng malupit na mundo. Hindi nila kailangang makisabay sa agos mapabilang o mahalin lamang.

ANG HIRAP MAKISABAY SA MUNDO. NAPAKA.

*FerBert, yun kwentong tigre na hinihintay mo, di ko pa din nagagawa e. hmmm, ayos lan ba talaga na magsulat tungkol sa kanila? Sabagay, basta yata may anonymity ayos na. tapos salamat sa pangungulit na magpost na ako, pareho talaga kayo ni Janelle, yun din ang nangulit sa akin dati nun TOTOONG hiatus hayatusan ako.ahaha! 

 

*Mommy Gracey ng FEU PSych Society, hindi naman siguro ako failure sa batch ko diba?

 

 

15 Responses to “pidi piru dipindi”

  1. FerBert Says:

    ako ba ang kauna unahang taong magcocomment dito sa wp account mo?

    gusto ko tong post na to.. nakakrelate ako..

    yaan mo balang araw ipagpapatayo kita ng monumento sa luneta.. katabi ni Rizal..

    *palakpak

    oo, ikaw nga ang una, hindi ko pa kasi nga nirerelease tong blog na to, DIBA? nakalimutan mo bang LUMUHOD AT NAGMAKAAWA ka lan na ibigay ang link dito para mabasa mo to? wahaha, jowk. o e bakit mo naman ako ipagtatayo ng monumento, tao na nga ako, magigi pang bato, baka paiputan mo pa ako niyan sa ibong adarna(anu daw?!) tsaka, baka maisyu pa kami ni rizal, masaya naman na ako sa buhay ko nayun. ayeeeeeee. . . ahaha.

  2. fjordz Says:

    Hayz! Naunahan mo nga talaga akong magWP. Kung sabagay, sabi mo nga, nung OCtober pa to last year.. hehehe… pero, nagdadalwang isip pa talaga ako kung lilipat ako kasi andun na lahat sa Blogger ko ang mga bagay na nasimulan ko, pero, pag-iisipan ko pa. Ako pa, puro isip ako di ba hehehe..

    so ano bang sasabihin ko tungkol dito? hmmm..

    Seryoso to?:

    “Sipon– nakakahawak ako nun, laway—parang gripo everyday, uu—hasos, mtindi na nga ang tolerance ko sa amoy nyan,”

    hehehe… eeewwww!!!

    “Sila iyong hindi kailangang umarte mapansin lamang, sila iyong iiyak dahil gusto nilang umiyak, sila iyong tatawa dahil gustong tumawa, sila iyong makikinig kung gusto nilang makinig, maglalaro, makikipagusap. . . magmamahal.”

    Nice one!

    so permanente ka na rito?

    http://hiraya.co.nr

    hmmmm. . . permanente na ako? sa? wordpress? ewan, pidi piru dipindi. . . hehe… hmmm, oo, totoo kaya yun laway thing. . . o well, basta, iba ding makisama sa mga batang ito, ahahaha! wala kasing patumpik-tumpik, walang DRAMA tulad mo. wahahahhhaa! woohooo! ansaya-saya!

  3. jezreel Says:

    haha

    namiss ko mga kwento mo…

    pwidi peru dipindi

    natawa ako
    talga…

    matapos ng mahabang linggo… napangiti talga ko dito kookoo

    bubble gang na.. manonood muna ko… “whatever yaya!!!” hehehe

    akap! Godbless..

    teka teka teka nga jez, bakit ka natawa e nagdadrama ako? ahahaha! talaga! whatever yaya, you’re such a loser. hehe. salamat naman at therapeutic naman pala ang stand ng blog ko, in a way. hehe. misyu jez, namis ko ng magnowsblid kausap ka! ahaha

  4. rok Says:

    ganda ng post mo na ‘to. dakila ka napunding alitaptap. :D

    hello mis rok na araw-araw inlab. . .hehe, at paano mo natagpuan ito? hehe. salamat sa pagappreciate ng post. pero sa palagay ko, ang dakila ay yun tatay ni aguiluz sa mulawin dati. ahhhaha! salamat ulit!

  5. trina labandera Says:

    hay sa wakas. wikend, nagkaron din ng panahon para magbloghop at magbasa ng nasa isip ng isang napunding alitaptap.

    una sa lahat. gusto ko sanang magreklamo. HINDI AKO MASAYA SA TRABAHO KO. at naiinggit ako sa ginagawa mo.

    bakit?

    may sense yan. kahit walang sweldo, nagagamit mo ang pinag aralan mo. alam mo ba kung bakit kelebel ko yung totoong labandera namin? kasi, nagaral ako at nakapagtapos pero hindi in line sa kurso ko ang trabaho ko. kung mayaman lang ako ay nasa sikand yer med proper na sana ako. tsk tsk.

    may bunga yang pagsasakripisyo mong yan. mahirap magturo. may post ako sa veramoko na ayaw ko din dati magturo, pero nung naranasan ko magturo sa nstp, okay naman pala sya. eh yun lang. SPED kids ang hestujante mo.

    ——

    Noble profession ang pagiging isang EDUCATOR. tandaan mo yan.

    hekshuli, gusto kong maging college professor, haha..oo nga, ewan ko nga ba, hindi lan talaga ako masaya sa mga ginagawa ko sa buhay, HINDI KO KASI ALAM ANG GUSTO KO…i s*ck! hehe, finally ate, nabasa mo na din, hehe. hmmmm, paano ba, masaya naman ang trabaho ko pero di ko masabing DITO TALAGA ako masaya. hehe, kaya nga andamidami ko nanamang iniisip e.hehe. buti at nakadaan ka na! salamat salamat!

  6. ely d' pogi Says:

    :( (
    SAPILITAN PO ITO huhu ..

    First of ol, haha [(english mode) panis ka jez english to]

    “gig ng malulupet na banda, minsan may jologs din gaya ng SPANGSKOLA. Alam nyo ang skinny jeans, tshirt at maduming chucks? Ganun. Ako yung teacher na ganun ang get-up mga tatlong beses sa isang linggo.”

    -SPANJKOLA??jologs?? haha iDOL mo to remember?? ultimate crush YAEL(yan ba name niya??)haha

    -azteg kang teacher
    PHYSICS(AMP KANG PHYSICS KA)
    KooKoo’s ForMulae:
    skinny + t-shirts (MEDIUM SIZE)+ chucks(white oe red??)=
    TEACHER JASMINE DAW (yan tuwa na yan) ^^
    (SANA NA GETS MO TO HEHE)

    teka aba’y first tym ko ata magcomment sa mga sinulat mo haha

    o sya sana ay natuwa ka sa mga sinulat ko dyan haha ^^

    yngat lagi -ely pogi ^^

    ayos naman kasi talaga ang spangkola nun unang panahon, simula nun kinanta nila yun ang bidyo ay umuulan sa covered area lan naman sila naging instant jologs e. hmm, tae ka kori! hindi ka nakakatuwa, linsyaaahak! ahaha! uror uror uror! ahaha, hindi naman ako natuwa sa teacher jasmine, NATAWA KAMOm ahaha… tas, oo talaga! ganun ako manamit! tama midsize na tshirt at mas madalas kong gamit yung white(nablack daw sabi nun 2yroldkid na nakasama ko minsan)

    tae, dapat magkocomment ka na sa blog ko from now on! kundi, wala naman. . . naalala ko yun physics days, di ko alam kung matatawa ako o maiiyak.tae talaga yun si miss!

  7. jamiiiir Says:

    ansaya…. masarap basahin….

    nakakainngit ka, masaya ako para sau…

    yngat nalang lagi sa mga hestudent mo…
    bigyan mo rin sila ng piso! hahaha

    post ka pa…

    ayun, i waited long for this comment, ahaha! aba, inggit ka, try mo din! gora lan! ahaha!hmmmm. . .
    kung pede lan sila bigyan ng piso! milyong piso, pero hindi e, lababol man ngaya! ahahaha. salamat ulit. dalaw ka lagi, kuya jamiiiir, ahahaha!

  8. kahkah Says:

    grabe.. namiss ko ung pagsusulat mo ha

    hanaku talaga, KAROL, MAS namimiss ko na ang sulat mo! ikaw kaya diyan ang writer! sulat na, dali! hala hala paksiyeeeeeet! wag kang poreber hiatus! ahahaha.

  9. lyingwithclotheson Says:

    (pabulong) teacher din ako..

    meron ka rin palang wordpres.. ako rin, minsan dito nagtatago..

    *ayzprincess (nawawawalangblogger) ng blogspot

    ahaha, sa palagay ko, dapat sinisigaw natin na teacher tayo, ahahaha…teka, paano mo nalaman ang blogsite na to? yun ba ang link na nailagay ko?hmmmmmm. . . ahaha, don’t tell me, naclick mo yung flyfly sa na*bspot ko? ahaha, kung gayun! magaling.ahahahaha! hmmmmm, hindi naman sa nagtatago ako, hindi ko lan narerelease tong blog na to, busybisihan yata kasi.ahahaha! hmmm, an iksi ng comment mo, anhaba ng sagot ko.madaldal! ahahaha! =p

  10. Pedro Says:

    sorry naman at ngayon lang nakadaan. ang totoo ngayon ko lang kasi nakita itong wP mo. nagi-guilty tuloy ako.

    totoo ang sinabi ko. cool kang teacher at huwaran kang pilipino. tama din si efbee. dapat kang patayuan ng rebulto. tapos may nakalilok sa likod, na mga katagang, batukan mo ako. hahahaha. biro lang. PEACE!

    hangga’t masaya ka sa ginagawa mo eh ipagpatuloy mo lang yan. masayang makatulong sa kapwa ng walang inaasahang kapalit. sa munting paraan. at sa mga simpleng bagay eh nagagamit mo ang busilak mong kalooban. saludo ako sayo. teacher racoon. :D

    o, e paano mo napansin na may wp na ako? anlabo. . .ahaha. don’t feel guilty kasi wala namang rason, hehe. . .

    ahaha, kumusta naman ang monumentong binabatukan? ahaha, anu yun, may wish kada batok…sige ba, pabayaran nyo na din bawat batok. . . kumisyunan nyo nalan ako.anlabo!!hmf! haaaaaaay, ahaha, nakausap pa naman kita kanina about “WALANG KWENTA” stuff…tapos, yun “paradoxical” ahahahaha. . . =p salamat sa pagdaan, hanggan nayun, iniisip ko pa din yun sabi mong lurker ka ng blog ko. . .aling blog? at pede namang magparamdam. anlabo!ahahaha! apir! flyfly!

  11. Lee Says:

    grabe nak.. wlang sinabi sau c pacquiao kng gulpihan ang pg uusapan,,

    ung movie n care giver dpat kaw ung bida dun eh.. daig m p trabaho nla=0

    nak! pwde nktang pg gawa ng rebulto.. grabe gnyan rin pla sinabi ni pedro..

    SACRICIFE = SUCCESS.

    Why God Made Teachers
    By Kevin William Huff
    When God created teachers,
    He gave us special friends
    To help us understand His world
    And truly comprehend
    The beauty and the wonder
    Of everything we see,
    And become a better person
    With each discovery.
    When God created teachers,
    He gave us special guides
    To show us ways in which to grow
    So we can all decide
    How to live and how to do
    What’s right instead of wrong,
    To lead us so that we can lead
    And learn how to be strong.
    Why God created teachers,
    In His wisdom and His grace,
    Was to help us learn to make our world
    A better, wiser place.

    “Let them do good, that they be rich in good works, ready to give, willing to share” 1 Timothy 6:18

    NAK, Continue 2 INSPIRE! Godbless u more!

    ganun din ang sinabi ni ferbert…ahaha, anlabo nyo, sabing wala akong balak magpagawa ng rebulto, ipagawa nyo nalan ng bahay ko yun panggagawa ng rebulto…ahehe, at salamat, naghanap ka pa ng tula…hehe, ayun, salamat sa pagbisita sa blog ko kahit hindi ka talaga nagsusulat.hehe. pwede mo palang ilagay sa URL yun blog mo sa multiply.hehe.

  12. kahkah Says:

    nakakatuwa naman sila.. at mkhang enjoy ka…khit battered teacher ka… hehe…

    hanap ka na ng school natin, para battered teacher ka na din. . .wahahaha

  13. adel Says:

    Niks, who will not be proud of your attitude and desire to help and serve? GB always! =) -ATE

    salamat,salamat ate, hmmmmm, kaw din, alam ko gusto mo din tong gawin. tulungan lan, salamat sa suporta palagi. . .miskunaikaw. . .haaay. na*

  14. law-rens Says:

    hi nikolai…

    ayan nbasa q na.. cnagot m n din ung tnong q sau…

    tingin q nman msaya ka jan eh…

    ang pagkakakilala q kay kookoo.. basta gusto niya patuloy nya parin gagawin… wag lng manakaw ang mga pangarap…

    pero ang totoo hanga aq sa mga taong tumutulong at umuunawa sa mga taong katulad NYANG mga estudyante mo…

    gusto q din kc clang mkahalubilo…

    NICE teacher KOoKOo….

    Godbless…

  15. señora Says:

    “at higit sa lahat, nakakasama mo ang mga PINAKATUNAY na mga tao sa paligid mo”

    Totoo. May pinsan ako na autistic. Super lambing kaya nila kahit na madalas sila manakit. Pero kadalasan sarili niya sinasaktan niya. Kawawang baby ko yun. Labs na labs ko yun :)
    SPED nga ang dapat ko raw kuhanin kaso magnursing daw muna ako. NYAR! Sayang! haha

    I miss you naaaaa. Ang haba mo talaga magblog ever. Aylabit :) Magbabasa ako dito parati. Yung sumunod na entry dito next time ko na basahin. Malapit na kami umalis papnutang bundok! Err. hehe

    Bye gorgeous :)

Leave a Reply